Manong’s Moneyfesting Story: Bahay, Baby, Business
- #jointheFUN

- 2 hours ago
- 2 min read
By Manong George

Noong una, hindi talaga ako naniniwala sa vision board. Para sa akin, drawing lang ‘yan sa kartolina — parang wish list na madalas nauuwi sa wala. Pero sabi ng asawa ko, try natin. gawa tayo ng vision board. Simple lang ang laman: BBB — Bahay, Baby, at Business. 🏡👶💼
Wala pa kaming malaking ipon noon. Nurse ako noon sa NHS whilst she is working in a corporate job sa isang manufacturing company. Pero kahit sobrang busy, lagi naming nakikita ‘yung vision board sa dingding — paalala ng mga pangarap naming mag-asawa.
Habang tumatagal, napansin namin… isa-isa silang nagsisimulang mangyari.
Hindi agad-agad, pero dahan-dahan.
Nakapagmortgage kami ng bahay, nabiyayaan ng babies plus one doggie, at unti-unting nakapagsimula ng small business.
Doon ko narealize — hindi pala magic ang vision board. Ang sikreto ay nasa moneyfesting — manifesting your dreams through the right and best use of money.
Hindi sapat ang mangarap; kailangan din ng tamang mindset sa pera, disiplina sa gastos, at willingness magsakripisyo ngayon para sa mas maginhawang bukas.
Ngayong lampas 15 taon na ako bilang OFW sa UK, masasabi kong natupad namin ang mga dating drawing lang sa board. Pero gaya ng kasabihan, “malayo na, pero malayo pa.”
Malayo na — dahil nakita namin kung paano nagbunga ang sipag, dasal, at tiwala.
Malayo pa — dahil tuloy pa rin ang paglalakbay: mas matalinong pag-invest, mas maayos na money management, at mas malalim na pangarap para sa pamilya.
Kaya sa mga kapwa kong OFW, huwag matakot mangarap. Gumawa ng vision board, pero higit sa lahat — gamitin nang tama ang bawat perangpinaghirapan. Dahil sa dulo, bawat pound/dollar/riyal/dirham/euro na may direksyon ay hakbang papunta sa pangarap.
Keep going. Keep believing. Keep moneyfesting. 💪✨





Comments